Tuesday, November 02, 2004

Natabunang Puntod

Dumarami ang tao, hindi ang espasyo
Nadadagdagan ang namamatay, hindi ang paglalagyan
Kung may kakayahan ka, sa pribado ka
Sa pampubliko kung wala ka.

Sa memorial park, puntod mo
Daig pa ang bahay
Ng daily wage worker na buhay
Kung sariling lupa nga wala ka
Pangpuntod mo pa kaya makabibili ka

Kaya't sa amin
Ang mga bagong libing
Binabaoon na lamang
Kahit saan basta may lugar
1 meter by 2 meters
Basta't kasya kahit sa daanan.

Sa tabi ng puntod ng lolo't lola ko
May inilibing sa daanan
Hindi raw masyadong markado
Kaya't hayun natabunan
Todo's los Santos dumating
mga anak, tatay hinahanap
Nakusap ang aking nanay
sabi'y tatay nilay nariyan
Marahil nga'y naroroon
subalit isang ruler na simiento
ngayo'y mas nagbaon

Sabihin ko man na sila ang may kasalanan
Ngunit naisip ko lamang
Wala namang pipili
Na pumanaw na ama
ibabaon sa daan.



0 Comments:

Post a Comment

<< Home