Tuesday, February 28, 2006

Katamaran

Mahirap pag kumapit
Walang bakunang makapipigil
Napakalalang sakit
Mahirap labanan pag sumapit

Kahit anong lusog mapapatulog
Kahit anong sigla mapapalamya
Walang sinong may gusto
Ngunit pagtanggi'y kayhirap

Biglang dumapo sa akin
Dalawang araw walang nagawa
Sana'y tapos na
Dahil talagang ayoko na

0 Comments:

Post a Comment

<< Home